Undergoing MyBlogLog Verification

Wednesday, January 14, 2009

LP 41 Asul



Ako po ay nakabalik na sa aking maikling bakasyon mula sa ating mahal na bayang Pinas. Salamat sa lahat ng nagiwan ng kanilang magagandang mensahe!
Sa linggong ito, naghanap ako ulit sa aking baul ng litratong asul! At ito ang aking nakita.
Nakasuot ang aking anak ng kulay asul!



Meron ding ilang bata na nakasuot ng asul! (at pula..hehehe.ipilit ba ng lola para makahabol sa nakaraang linggong tema ;))



Sa wakas, nakatiyempo rin sya ng tubig! Gustong gusto nyang itapat ang kanyang mukha at buong katawan sa tubig na ito! Lubos itong nagbigay sa kanya ng kasiyahan. Nangyari ito isang Sabado ng hapon kung saan kaming mag-anak ay namasyal noong nakaraang taon sa panahon ng tag-init! At ito ang paraan para makatipid din sa tubig!:)
Ang sarap talaga maging bata!

Maligayang LP sa inyong lahat! Nakasali ako ulit..Hanggang sa muli!

9 comments:

Anonymous said...

Ang laki-laki na ng anak mo!! Ngayon lang ako muli napadaan dito. :) Maligayang LP Dang!

Anonymous said...

ha ha ha! 'extra' lang yung ibang kulay, asul pa rin bida *lol*

happy lp!

Anonymous said...

Tama ka, Dang, sarap ngang maging bata - lalo pa kung nagtatampisaw sa tubig tuwing tag-init!

Buti naman at enjoy ka sa bakasyon sa Pinas - kainggit! Kami kasi di nakauwi ngayong Pasko.

God bless and take care!

agent112778 said...

ganda ng shorts ni boy

eto aken lahok
at eto pang isa


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

ka-aliw namang tingnan ng iyong anak na masayang ng papakabasa...ka-loka naman si lola, nasingit pa...hahaha! masayang LP mula po sa:
Reflexes
Living In Australia
na sana'y iyo ding mabisita.

Tanchi said...

ang cute nya sa huling litrato:)

MALIGAYANG LP
bisita ka rin sa post ko:

http://asouthernshutter.com

Anonymous said...

kitang-kita ang galak sa mukha niya! iniisip ko lang- ilan kaya sa ating mga, ahem, medyo nakakatanda na ang maglalakas-loob na magtampisaw sa ganyang palaruan? ang sarap ng walang iniinda, inaalala...

maligayang bagong taon sa iyo!

Anonymous said...

Dang, welcome back...sana nag enjoy ka sa Pinas.

Ang cute ng anak mo lalo na doon sa pangatlong picture. Problema lang eh agaw eksena yung babaeng naka pink... ang lakas ng loob niya ha.

Anonymous said...

hi dang! alam kong nagenjoy ka sa iyong pinas vacation kahit maigsi. :)

ang kyut naman ni miguel sa kaniyang asul na shorts! mukhang matagal-tagal pa niyang isusuot iyan. kaya lang parang nakaw eksena yung babaeng nakapink. hee hee. :)