Undergoing MyBlogLog Verification

Monday, December 08, 2008

LP #36 - Excited!(Eksayted)


Mabuhay! Ako po ay buhay pa naman. Kumusta po kayong lahat mga ka LP. Pag ako po eh may panahon ay pinipilit ko kayong dalawin sa inyong mga blog. Tuwing makikita ko ang tema, nanabik akong maghanap ng litrato subalit datapwat ngunit pag akin ng natagpuan ang nais kong ilahok eh tapos na ang linggo para sa naturang tema. Ngayong linggo, dahil umalis ang aking mag-ama patungong Pilipinas nakakuha ako ng munting oras para makasali. Kaya huli man ang aking lahok ay pilit ko itong ihahabol!
Kuha ko ito noong kaarawan ng aking anak. Sa ating mga Pilipino, karaniwan ng may pabitin tuwing merong birthday party. Sa aming likod bahay, lahat ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang ay agad na nagtipon sa ilalim ng pabitin at itinuturo ang nais na makuhang premyo.

Ang sabi ng tatay " Ayan ba ang gusto mo, anak! Kukunin ko na dahil party mo naman ito! Ako ang tatay kaya't ako ang masusunod! Eksayted na akong tumalon"


Ang sabi ng anak " Hindi po yan Tatay! Eto pong itinuturo ko! Eksayted na rin po akong kunin ang laruan na ito. Sino nga po ang me pauso ng pabitin? "


Ang sabi ng lahat "Kami man ay eksayted na rin kaya't tatalon kaming lahat sa tulong nga aming mga tatay!


Ang sabi ng lahat " Kakaexcite naman ito! Agawan sa pabitin! Hala, bilis kunin natin ang mga laruang nakasabit!


Maligayang araw po! Hanggang sa muli, excited na ako!

6 comments:

Marites said...

heheheh! laging nakakatuwa tingnan ang pabitin kaso lang, minsan..mas eksayted ang matatanda kaysa mga bata :D

 gmirage said...

Hello! sensha na nahuli...=D kitang kita nga ang excitement sa lahat....happy LP!

Anonymous said...

Uuy na-miss kita (at pati na rin ang mga pabitin sa Pinas).

Kahit ako rin ay hindi nakakasali sa LP ng ilang lingo na... kailangan humabol.

Welcome back.

Anonymous said...

mabuhay, dang! hee hee! nakakaexcite talaga ang mga children's party...para sa may kaarawan, sa mga magulang at mga bisita...para sa lahat talaga! ikaw, kelan ka uuwi? enjoy your pinas vacation! :) mmwah!

Anonymous said...

Hi Dang, welcome back!! Ganda ng tema sa pagbabalik mo, excitement!!

Natawawa ako pabitin, talagang nanggigigil mga batang makakuha ng nakabitin dyan! IM sure si daddy rin ha ha!

Toni said...

Pabitin! One of my favorite games as a kid. Ang saya naman at napapasa mo sa iyongh anak ang kasiyahan ng larong ito!