Undergoing MyBlogLog Verification

Friday, October 10, 2008

LP#28 - Luma Na




Himala ng mga himala! Mayroon akong lahok para sa linggong ito. Paumanhin sa lahat ng bumisita at wala man lang ako lahok sa mga nagdaang dalawang buwan. Harinawang makasali na ako sa bawat linggo. Harinawa!

Nahirapan ako sa lahok na ito! Limang taon na ako dito sa Amerika at sa paglinga ko sa aming tahanan ay tunay na wala akong makitang luma! Lahat ng aking naisip na luma ay nasa aming tahanan sa Pilipinas! Sa aking pag aayos ng mga papeles, ito ang aking nakita! Agad ko itong kinunan at pilit na itinago ang mga pangalan at baka ako pagalitan ng aking mahal na biyenan!






Taong 1966 pa pala sila kinasal! Nakakatuwa na hanggang ngayon, animo bagong kasal ang aking mga biyenan! Harinawang tumagal pa ang kanilang pagsasama at pagmamahalan!

Salamat sa inyong pagbisita! Maligayang LP!

2 comments:

Anonymous said...

Dang, welcome back. Grabe 42 years na silang kasal! Tunay na kahanga-hanga sila.

 gmirage said...

Kitang kita sa kulay ng papel ang kalumaan, at ibig sabihin ganun na din sila katagal na kasal, wow!

(sana kami din hehe)