Undergoing MyBlogLog Verification

Wednesday, May 14, 2008

LP Entry #3-Umaapoy




Umaapoy ang iyong liwanag
Umaapoy sa buong kalangitan
Umaapoy ang sigla
Kahit na sa iyong paglisan


Ang litratong ito ay kinuha ko noong kaming mag-asawa ay nagpunta sa Boracay. Sa tatlong araw naming inilagi sa Boracay, kapansin-pansin na pagsapit ng paglubog ng araw, lahat ng mga taong naroroon ay nanonood sa kagandahang ito. Kitang kita rin namin kung paano biglang nagbabago ang Boracay pagsapit ng gabi. May musika at sayawan, pawang puro kasiyahan.
Maligayang Huwebes sa lahat ng myembro ng LP!

16 comments:

 gmirage said...

Ang araw, ang pinakamalaking bolang apoy!!!

Gandang Huwebes at maligayang LP!

Anonymous said...

Ang ganda.... Open secret ko - di pa ako nakakarating sa Boracay :)

lidsÜ said...

bora... sa panahon ng tag-init... wish ko lagi na nadyan ako... hehe!
magandang huwebes sa'yo!

Anonymous said...

Talaga nga namang umaapoy ang araw! Gusto ko din ang paglubog ng araw sa Boracya lalo na't minsan ay nag-iiba ang kulay ng kalangitan doon!

Magandang Huwebes!

http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html

Anonymous said...

Mukhang maaga ang lahok mo ngayong linggo, kapatid! Sarap talaga pag bakasyon na ano? Hehehe :)

What can I say? Pareho tayo ng naisip - great minds talaga...

Ingat!

Dyes said...

naku, maapoy nga iyan!

happy hottie hwebes!

Anonymous said...

Marami nga napapatigil kapag nakikita ang paglubog na araw.. siguro dahil na rin sa dahan-dahang kilos nito, parang unti-unti ring pinapakalma ang kalooban mo... Happy Huwebes!

Anonymous said...

hayy isa pang dreamy beach sunset...'kaka inlove! Nice shot dang :)

Tes Tirol said...

di pa ko nakarating dyan, hay, kelan kaya? pasilip na lang ng sunset mo :)

gandang 'webes!

Anonymous said...

that's my ideal vacation, dang. by the beach with the family. saya!

Anonymous said...

uy dang, boracay. aylavet! :)

MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy

Anonymous said...

ay! pareho kami ni linnor, di pa ako nakarating ng boracay! :) maganda talaga ang mga sunsets kaya paborito siyang kunan ng litrato ng marami. :)

happy huwebes, dang! :D

Munchkin Mommy's LP
Mapped Memories' LP

Anonymous said...

magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...

Anonymous said...

Dang, ang una kong naisip ay Boracay dahil doon sa sail boat sa background, tapos na basa ko ang sulat mo. Ang ganda talaga ng beach na iyan no at tama ang sinabi mo... biglang nagiiba ang isla kapag lumubog na ang araw... puto party at lahat ng tao ay lumalabas. Enjoy naman.

Anonymous said...

napakaganda talaga ng effect ng apoy ng araw pag palubog na ito at nag-abot ang repleksyon sa tubig dagat. :) mabuhay LP!

Anonymous said...

Pareho pala tayo ng concept. Pero ang sa iyo sunset. Ang sa akin naman kinunan ko talaga ang araw. :)

Ang ganda ng iyong pagkakuha ng Sunset.