Thursday, May 01, 2008
LP entry #1 - Malungkot
Anak, anak huwag ka ng malungkot
Huwag ka ng sumimangot o kaya'y mabugnot
Di lahat ng bagay pwede mong makamtam
Gaya ng cellphone ko na biglang nawala kailan lang
Ayokong mainis, ayokong manisi
Ako bilang iyong ina ang dapat umintindi
Sa mura mong isip lahat ay iyong hahawakan
Hayaan mo't bibili tayo bukas ng cellphone na laruan!
Noong isang buwan, ang aking anak ay umiiyak dahil ayaw kong ibigay ang aking bagong biling cellular phone! Lungkot na lungkot siya dahil nais nyang kunin ito sa akin. Ayaw kong ibigay ang telepono dahil ng huli nyang gamitin ang aking lumang cellphone, hindi ko na ito nakita pa ulit. Ako naman ang nalungkot dahil ilang linggo ko syang hinanap pero tuluyan na syang nawala! Asan na kaya yun?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Ganyan din si Kail sis... pag may gusto, dinadaan sa iyak. Now we know better than to give in kasi naso-spoil. Masakit man sa dibdib na tiisin, dapat na rin kasi lumalaki na sila di ba? We need to instill discipline in their young minds. Hay, hirap maging parents... ;)
naku ganyan din ang anak ko pag hindi nakuha ang gusto. idadaan sa iyak. pero onting uto eh nababago rin ang isip.
buti pumayag ang anak mo na kunan siya habang umiiyak.=)
maligayang LP!
ang mga bagets talaga natin, minsan eh kakaiba ang kulit at tigas ulo level, noh? they think crying can get them out of trouble. hehehe!
Naku parang naririnig ko rin ang sigaw ng aking anak sa litratong ng anak mo... mahilig silang mag laro (at manira) ng cell phone. I'm sure ikaw naman ang malungkot kapag iyon ang nangyari... hehhe.
alam na alam ko ang mga ganyang iyak. immune na ako diyan, sis, hahaha!
i love your LP debut. kahit umiiyak si miguel, cute pa rin siya. :) *muah*
(uy, btw, i tagged you ha? hehe)
Hirap talagang tiisin ang mga anak na umiiyak ano? Lalo na pag yung tipo ng iyak e "dramatic" ang dating - yung wala masyadong ngawa pero may luha! ;)
Hay naku, kung puwede lang ibigay lahat ng layaw ng anak e... pero ayaw ko rin naman silang lumaki na hindi marunong magpahalaga sa mga gamit nila dahil madaling nakuha, di ba? Sige na nga, hayaan nang umiyak paminsan-minsan...
kawawang bata. pero naiintindihan kita dahil minsan ganyan din ako sa anak ko. pero buti hindi pa marunong mag-tantrum. :)
ang cute naman nya.. umiyak dahil sa cellphone! :D bili mo na daw kasi ng sarili nyang cellphone mommy. :)
dang! kasali ka na pala sa LP! yey! grabe, ang rosy ng cheeks ni miguel! dahil ba sa pagiyak?
tulad ni meeya, immune na rin ako sa ganiyang iyak. pero minsan...madalas pala...napipikon pa rin ako. madaling makalimutang bata ang kausap natin at tayo ang dapat umintindi. tao lang po, pasensya na. :)
Awww wawa naman ang iyak niya! :(
dang, i have a tag for you:
http://cafemunchkin.com/2008/05/05/hot-men-in-the-kitchen/ :D
dang, feeling ko ang lakas ng boses niya haha. todo ang iyak eh!
Mommy Dang! I hope your schedule has lightened up a bit dahil may tag ako sa iyo - hahaha!
No pressure...do it whenever... it's fun naman - promise!
http://chinois972.wordpress.com/2008/05/06/my-six-quirky-ps/
uyy..salamat sa inyong lahat..daming bumisita ahh..
magandang araw sa inyong lahat! medyo busy lang po..pero nabasa ko lahat ang comments nyo! bibisita rin ako sa inyong lahat..
aww, talagang feel na feel nya umiyak..malamang talagang gustong gusto nya laruin ang phone mo..baka may ka phonepal? hi hi, biro lang ha...
salamat sa dalaw Dang...re: garden namin...macro shots lang ng flowers ginagawa ko kasi kalbo garden namin ha ha! at nakikipag unahan pa ako sa mga garden snails kasi kinakain nila mga tumutubo dito.
sa susunod na LP ulit ha! at Happy Mother's Day sa iyo!!
Post a Comment