Friday, May 09, 2008
LP Entry # 2 - Mahal na Ina
Natay!
Tanay!
Tatay na nanay pa!
Maagang naulila kaya't siya na ang
tumayong nanay!
Pero nanatiling haligi
ng bahay!
Anong saya nung tayo ay
nasa Tagaytay!
Anong lungkot nung
ako ay iyong iwan!
Pero iisipin ko na lang lagi
ang magagandang alaala!
Natay!
Tanay!
Mahal kitang tunay!
Ang akdang ito ay para sa aking ama na siya ring gumanap bilang aking ina dahil maagang pumanaw ang aking mahal na ina! Hindi na sya nag-asawa pa at sa halip ay kaming mga anak nya na lang ang pinagtuunan ng pansin.
Hindi ako makasulat kasi maiiyak lang ako dahil hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa kanya! Kuha ko ito sa kanya noong kami ay nagbakasyon sa Pilipinas!
(Bago ko matapos ito, tumawag ang aking kaibigang si S. Namaalam na rin ang kanyang tatay, atake sa puso sa edad na 80. Pakisama naman sa inyong dalangin si Tito G at ang aking tatay. Malamang, nag uusap yung dalawang magkumpare sa piling ng ating Panginoong Maykapal)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
hi dang. nalungkot naman din ako sa akda mo. ang mommy ko naman ang tumayo ring daddy naming magkapatid dahil 13 pa lang ako at 12 naman ang kapatid ko nung mawala siya.
happy mother's day, dang! mmmwah!
happy mom's day, dang! hugs!!!
Tunay na uliran ang ating mga ina ngunit nang mabasa ko ang iyong lahok, lubos akong napahanga sa kadakilaan ng iyong ama! Hindi madali ang kanyang pinagdaanan subalit ginawa pa rin niya ito upang maitaguyod kayong magkakapatid - kahanga-hanga siya!
Ipagdarasal ko ang kanyang kaluluwa. Tiyak kong natutuwa siya at ang iyong ina habang pinapanood ka mula sa langit.
Happy Mother's Day, Dang!
Dang, pasensya na at ngayon lang ako nakabisita. Nakakatuwa naman ang iyong ama... kakaiba ang dedikasyon niya sa iyong buong pamilya. Kahanga-hanga at bihira ka lang makakarinig ng ama na tumatayong ina rin ng bahay. Maswerte kayo.
Ipagdadasal ko siya at ang kaibigan niyang yumao.
Belated happy mother's day!
Happy Mom and Dad's Day. :)
Nakaka-touch naman itong sinulat mo! :)
My prayers are with your friend.
alam mo Dang, nakikita ko sa itsura ng tatay mo na napakabait niyang tao. mataas ang tingin ko sa mga tatay na nagpalaki ng mga anak mag-isa dahil alam ko kung gaano kahirap. ang kuya ko din, mag-isa niyang pinalaki ang mga anak niya, puro babae pa sila.
belated happy mother's day sayo! :)
taas ang kamay ko sa kanya. ngayon. sa palagay ko siya naman ang inaalagaan sa heaven, kapalit ng lahat ng sakripisyo niya para sa inyo.
and belated happy mother's day, dang! *muah*
thanks for dropping by!salamat sa mga greetings weng, tin & toni..
sorry, di ako nakabati sa lahat ng nanay ng mas maaga, naglakwatsa kasi eh..
i know my dad is at peace right now with my mom! thanks jet & pinky & keith & meeya for the kind comments.
thank you too for praying for tito g!
Post a Comment